Bilang pagsisikap na hikayatin ang mas maraming biyahero na matuklasan pa ang kultura ng bansa at bilang bahagi ng pinakabagong inisyatiba nito upang itaguyod ang turismo sa Pilipinas, ipinakilala ng Cebu Pacific (CEB) ang QR Flight Codes nito, na hango sa mga tradisyonal na habi ng iba’t ibang lokal na komunidad.
Ginawa sa pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute, ang QR Flight Codes ay nagpapakita ng commitment ng CEB na paunlarin ang lokal na turismo habang binibigyang-diin ang sining at pamana ng kulturang Pilipino sa mga komunidad ng paghahabi,” ayon kay CEB Chief Marketing and Customer Experience Officer.
“Cebu Pacific takes pride in honoring the rich tapestry of our nation’s cultural heritage. Using our business as a platform for inclusive and sustainable growth, we celebrate the artistry of our local weaving communities, ensuring their timeless traditions are preserved and their stories are appreciated by every Filipino,” aniya.
Paliwanag niya, “The QR Flight Codes highlights five unique weaving styles from different parts of the country — the intricate and nature-inspired markings of Ilocos Norte’s Binakol, the elegantly-colored stripes of Occidental Mindoro’s Ramit, the bright hues and iconic plaid design of Iloilo’s Hablon, the bold and colorful checkered patterns of Antique’s Patadyong, and the striking geometric patterns and vivid colors of Zamboanga’s Yakan.”
Ang pag-scan sa mga QR Flight Codes na nakalagay nang maayos sa mga billboard sa mga pangunahing kalsada at paliparan sa buong bansa at sa ilang piling magasin, ay magbibigay-daan sa mga manlalakbay na matutunan pa ang tungkol sa mga tradisyonal na habi at matuklasan ang higit pang mga atraksyon sa mga destinasyon kung saan ito nagmula, sabi ni Iyog.
Nalaman na nakipagtulungan ang CEB sa mga lokal na komunidad ng paghahabi sa buong bansa upang matiyak na ang kasaysayan at kahalagahan ng mga telang ito ay mapanatili sa paggawa ng QR Flight Codes. Kabilang dito ang mga Paoay Weavers ng Ilocos Norte na sinusuportahan ng Mariano Marcos State University (MMSU); ang Hanunuo Mangyan ng Occidental Mindoro na sinusuportahan ng Awati Ti Kape Community Development Program; ang Baraclayan Weavers Association ng Iloilo; ang Patnongon Multipurpose Cooperative at Bagtason Loom Weavers Association ng Antique; at ang Yakan ng Oriental Weaves ng Zamboanga na sinusuportahan ng MMSU. “Every weave is a community’s cultural fingerprint with a story to tell, just as every destination has a unique offering and experience. We encourage every Juan to scan the QR Flight Codes to explore more of the Philippines and learn about our rich culture and heritage,” saad ni Iyog.
Upang hikayatin ang mga manlalakbay na mas magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa mga tradisyunal na tela habang tinutuklas ang Pilipinas, sinabi nito na naglunsad ang CEB ng exclusive seat sale hanggang Enero 15, 2025 na nagpapahintulot sa mga manlalakbay na mag-book ng mga flight sa lahat ng domestic na destinasyon sa halagang P199 lamang para sa one-way base fare, hindi kasama ang mga bayarin
More Stories
HIGIT 8-M DEBOTO DUMALO SA TRASLACION 2025
PINAY HULI SA P24-M COCAINE SA NAIA
PHLPOST BUBUKSAN MAS MARAMING NEXT-DAY DELIVERY HUBS