December 21, 2024

TEVES, 12 IBA PA ‘BINANSAGANG’ TERORISTA NG ATC

IDINEKLARA ng Anti-Terrorism Council (ATC) sis upended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves bilang terorista dahil sa umano’y mga naitalang pamamaslang at harassment sa lalawigan ng Negros Oriental.

Nakasaad sa Resolution No. 43 na may petsang Hulyo 26, nakitaan ng “probable cause” para ituring si Teves at 12 iba pa, bilang mga terorista matapos umano silang magkaroon ng paglabag sa ilang probisyon ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Kasama naman ng suspendidong kongresista sa mga itunuturing ng ATC na terorista, na umano’y mga miyembro ng “Teves Terrorist Group” ay sina:

– Pryde Henry Teves

– Marvin H. Miranda

– Rogelio C. Antipolo

– Rommel Pattaguan

– Winrich B. Isturis

– John Loiue Gonyon

– Dahniel Lora

– Eulogio Gonyon, Jr.

– Tomasino Aledro

– Nigel Electona

– Jomarie Catubay

– Hannah Mae Sumero Oray

Partikular na tinutukoy ng resolusyon ng ATC ang ginawang paglusob ng grupo ni Teves sa bahay ni Governor Roel Degamo.

Matatandaang pinagbabaril si Degamo at iba pang mga tauhan nito habang namamahagi ng ayuda.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na tumatayong chairman ng ATC ang resolusyon.

Lumagda rin sa resolusyon sina National Security Adviser Eduardo Ano na tumatayong vice chairman ng ATC at retired Director General Ricardo de Leon na nagsisilbing head ng ATC secretariat.