Inaalok si Terrence Romeo ng San Miguel Beermen na maglaro sa Japan B. League. Ayon sa ilang agent sa nasabing liga, target ng ilang teams na makuha ang serbisyo ni Romeo.
Kaugnay dito, pumalo na ang offer sa dating FEU Tamaraw star sa $55,000. O katumbas ng P2.75 milyon kada buwan. Bukod dito, may offer din na libreng bahay, pagkain at iba pang benefits. Pati na rin ang hihingiing option ni Terrence. Kaya naman, aabot sa P33-milyon ang maaaring makobra ni Romeo sa loob ng isang taon.
Magiging P66-milyon naman ito sa ikalawang taon. Si Romeo ay nakalaro sa PBA noong 2013. Siya ay 5th overall pick ng Barako Bull Energy Cola.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2