May 3, 2024

JANELLA SALVADOR, NAPILING GAGANAP SA ROLE NI ‘VALENTINA’

Napili si Janella Salvador na gumanap sa papel na ‘Valentina’ sa upcoming TV series na ‘Darna’. Na pinagbibidahan ng magandang aktres na si Jane De Leon. Unexpected ito dahil hindi akalain ng mga fans ni Janella na lalabas ang name niya sa listahan.

Ang sitsit kasi na pinagpipiliin ay sina Jackie Rice, Denise Laurel at Ivana Alawi. Inanunsiyo na ng Kapamilya network na swak nga si Janella sa lahat ng nag-audition sa role.

Kaya naman pala todo ang workout at pagpapaseksi ng aktres. Yun pala, para sa paghahanda nito sa bigating role ng Pinoy superheroine icon.

“Darna has found her nemesis. Janella Salvador will play the role of serpent queen and super-villain Valentina in ABS-CBN’s upcoming ‘Darna: The TV Series’. #TheValentinaReveal #DarnaTheTVSeries.”