Tinanggihan ni Terrence Romeo ang alok na maglaro siya sa Japan B. League. Bagamat malaki ang offer, tinurn down ito ng San Miguel Beerman star guard.
Ayon sa isang source na nagsabi, makatatanggap ng US$2.7-million contract si Romeo sa loob ng 3 years. Ito ang halagang inalok sa kanya ng isang team sa B. League.
Tatanggap sana siya ng $50,000 a month sa first year ng contract. Susunod ay $75,000 sa ikalawa at $100,000 saa third year.
Subalit, tinabla ito ng PBA star guard kahit na mas malaki sana ang matatangap niya kaysa sa kanyang team na SMB.
Kung saan, ang maxium salary ng isang player ay P420,000 a month. Bukod pa sa bonuses at ibang perks. Loyalty ang katuwiran ni Romeo sa kanyang mother team kaya siya umatras sa alok.
“Pag San Miguel, lalo na si Boss RSA ang nag-alaga sa ‘yo, hindi na rin naman malalayo yung offer ng Japan na ‘yun,” aniya ayon sa source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA