April 30, 2024

ISA PANG TEAM SA PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE, AATRAS SA OPEN CONFERENCE?

Isa pang team sa Premier Volleyball League (PVL) ang umano’y umatras din sa Open Conference sa July 17. Kung kaya, magiging 10 teams na lang ang maglalaro sa Laoag bubble sa Ilocos Norte.

Anumang sandali, ia-anunsiyo ng team ang pag begged-off nila sa laro. Ito ang mga bali-balitang naglalabasan sa Twitter.

May nagpost na nagsasabi na aatras ang Perlas Spikers dahil sa kondisyon ng kanilang mga players. May hinuha naman ang iba na ang Cherry Tiggo ang kakalas. Meron din F2 Logistics Cargo Movers.

Lumabas din sa post ng unofficial page ng PVL na baka Cignal o Army ang kakalas.

Kaya naman, kung sino man itong tean na nag-begged-off, pinag-aagawan na umano ang mga key players nila. May news pa na isang key player sa isang team ang di na maglalaro.

May lumabas na post na hindi maglalaro sina Eya at EJ Laure sa Cherry Tiggo. Kasi maglalaro raw sila sa UST Lady Tigresses. Pero, unofficial pa lang naman ang pahayag na ito.

https://glasselderly.com/c0s7it7i?key=703457758be2e38ca24b0e78041f1a94