Nagparamdam na si Terence Crawford sa kapwa welterweight champ na si Errol Spence Jr. Aniya, kung matutuloy ang laban nila, gawin na ito agad.
Katunayan, di na raw siya lalaban para sa tune-up fights. Sa gayun ay maikasa agad ang suntukan nila ni Spence at makuha ang mga title belts nito.
Dito rin malalaman kung sino talaga sa kanila ang hari welterweight division. Gayundin ang pagiging undisputed champion dito.
“I’m going straight into it. I don’t want no tune-up fights. I don’t want nothing,” ani Crawford sa ESPN.
“I wanna go straight into it… It’s time to happen. The time is now for undisputed.”
Kamakailan, pinahagingan ni Spence ang boxer matapos nitong magwagi kay Yordenis Ugas. Kung saan, naagaw nito ang WBA belt ng huli at idinagdag sa kanyang WBC at IBF straps.
“Everybody knows who I want next, I want Terence Crawford next,” aniya.
“That’s the fight that I want, that’s the fight that everybody else wants and like I said, I’m going to get these straps.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2