Nakuha ng Terrafirma dyip ang panalo laban sa NLEX road warriors sa Season 48 PBA Commissioner’s Cup, 113-112.
Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Dyip sa tatlong laro.
Uminit sa tres si Javi Gomez de Liaño Terrafirma kung saan nakapagtala ng career-high 31 points tampok ang apat na three-point shots habang kumamada naman ang import ng Dyip na si Thomas De Thaey ng double-double performance na 23 points 16 rebounds at 2 blocks.
Nagdagdag si No 1 overall pick Stephen Holt ng 21 points, 6 boards at 6 assists para sa Dyip.
Ang mintis na ikalawang free throw ni NLEX import Thomas Robinson sa huling 1.3 segundo ng fourth period ang naglusot sa panalo ng Terrafirma.
Dahil sa panalo ng Dyip umakyat na sila sa ikaanim na pwesto na may kartadang 2-1 win loss record habang bumagsak sa ika siyam na puwesto ang road warriors 1-2. (RON TOLENTINO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI