
DAHIL sa lumalalang tensyon sa Myanmar, itinaas ng Department of Foreign Affairs sa alert level 2 ang sitwasyon sa nasabing bansa bilang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng natitirang 1,273 na mga Pilipino doon.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy doon na umiwas sa mga lugar kung saan may mga nagsasagawa ng kilos protesta, at paghahanda para sa posibleng paglikas.
Ang mga nagbabalik na manggagawa lamang na mayroong mga kontrata ang pinapayagan na bumiyahe sa Myanmar.
Kaugnay nito muling pinayuhan ng kagawaran ang mga Filipino sa Myanmar na mag-ingat at patuloy na subaybayan ang mga development at sundin ang gabay ng Philippine Embassy sa Yangon.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente