
Haharap ang Team Rebisco sa Altay volleybelles ng Kazakhstan sa Pool B bukas. Idaraos ang laro ganap na alas 7:00 ng gabi para sa Asian Women’s Volleyball Championships sa Thailand.
Magsisilbi namang venue ang Terminal Competition Hall sa Nakhon Ratchasima.
Ang nasabing team ay babanderahan nina team captain Aby Marano, Dindin Santiago-Manabat, Jema Galanza at Rhea Dimaculangan.
Titimunan naman ng Brazilian consultant Jorge Edson Souza de Brito. Pagkatapos ng laro kontra Altay, sasagupa naman ang team sa Supreme Chonburi sa Sabado. Kakasa naman sila sa Saipa club ng Iran sa Linggo.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt