Matapos ang impresibong kampanya sa Tokyo Olympics, may bagong misyon ang Pinoy athletes. Kumbaga, pambawi at pagpaparamdam ng lakas sa 31st SEA Games.
Hindi man natuloy ang Vietnam Sea Games, inaasahang ikakasa ito sa susunod na taon. Kaya naman, tuloy ang paghahanda ng Team Philippines.
Ito ang tinuyak ni POC President Bambol Tolentino. Gayunman, wala pang inihayag na petsa ang official ng SEA Games.
“Matuloy man o hindi ang SEA Games (this year), tuloy ang training ng mga members of the national team natin, ang mga athletes,” ani Tolentino sa isang online press briefing mula sa Tokyo.
Kung matatandaan, iniurong ng 11 members ng SEA Games Federation ang pagdaraos ng Palaro. Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19. Dapat sana’y idaraos ang biennial meet sa November 21. Na matatapos sa Disyembre 2, 2021.
More Stories
P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NILAGDAAN NI MARCOS
Live in partner tinadtad ng bala habang natutulog patay sa Quezon
Araw ni Rizal, Ginunita