Bumida si Giannis Antetokounmpo sa 2021 NBA-All Star Game sa pagbuslo ng perfect 16 fieldgoal performance.Nagtala si The Greek Freak ng 35 total points sa pagdomina ng Team LeBron 170-150 sa team Durant.
Halos hawak ng Team LeBron ang lamang sa 3 quarter at nagtala ng 146-125 lead. Ang panalo ay pang-apat na sa Team LeBron sapol noong 2018.
Naglaro lamang si James ng 13 minutes sa first half. Umupo na lamang ito sa kabuuan ng second half dahil control ng team nila ang laro. Hindi naman nakapaglaro sina Ben Simmons at Joel Embiid ng Philadelphia.
Hindi pinayagan ang dalawa dahil sa COVID-19 tracing. Nagpagupit kasi ang dalawa sa isang barber na nagpositibo sa virus.
Pumalit kay Embid ang 20-anyos na si Zion Williamson sa Team Durant. Siya na ang ikaapat na youngest starter sa NBA all-star history.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN