November 3, 2024

Team Espejo, wagi sa Team Daquis sa Mobile Legends: Bang Bang

Habang nasa ilalim ng MECQ ang Metro Manila, busy ilang mga sikat na volleyball players sa online games.Kabilang na rito si Ateneo player Marck Espejo at  former FEU Lady Tamaraws volleybelle Rachel Anne Daquis.

Katunayan, naglaban ang team ng dalawang volleyballers kamakailan. Nagwagi ang Team Espejo sa Team ImbaDaquis sa Game 5.

Nasungkit ng Team Espejo ang Cignal Mobile Legends: Bang Bang show match, 3-2 nitong linggo.

Naging bahagi din ng event ang MPL-bound Cignal Ultra, upang umalalay sa teams ng 2 franchise’s volleyball stars.

Umalalay kay Espejo si fellow HD Spiker Wendel Miguel kasama si Bensanity tsujin ng Cignal Ultra. Gayundin si RHEA na kakampi nito.

Kakampi naman ni Daquis si ImbaDeejay Hadess, Yebmaester at Noriell Ipac.

Bumida naman sa Game 5 si RHEA ( Esmeralda) na mayroong 16 kills at 10 assists. Samantala, nagtala naman ng 13 kills at 8 assists ang five-time Spiker’s Turf champ na si Espejo. Mayroon siyang 5 deaths gamit si ‘Karrie’.

Nagtala naman si Bensanity (Selena) 13 kills, 16 assists at 1 death. Habang si Miguel (Valir) at tsjuin (Diggie) ay may 23 assists at nine kills sa victory.

Nanhuna naman sa Team Daquis si ImbaDeejay (Pharsa) na may 9 kills, 7 assists, at 10 deaths. Habang si Hadess (Yu Zhong)  ay rumekta ng 7 kills at 5 assists at 10 deaths.

Samantala, naglista naman ang Cignal HD star na si  Daquis (Yu Zhong) ng 5 kills, 2 assists at 10 deaths. Habang nagtala naman sina Yebmaester at  Ipac ng nine kills.

Nagbigay naman epic skins at jerseys ang Cignal sa mga fans sa end of the match.