May 17, 2024

Teaching hub sa Taguig City University inilunsad

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Taguig City University Teacheng Hub na naglalayong paigtingin ang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo sa gitna ng COVID-19. Ang teaching hubs ay gagamit ng state-of-the-art information and communications technology kung saan 10 silid-aralan sa TCU ang iko-convert sa pamamagitan ng Sharpened Online Learning Program. Dinaluhan ito nina Taguig Mayor Lino Cayetano, mag-asawang Representative Alan Peter at Lani Cayetano upang saksihan ang pasinaya at pamamahagi ng 6,000 tablet para sa mga estudyante at mga teacher. DANNY ECITO