
Ang pagdagsa ng libo-libong Taytayeño sa ginanap na People’s Proclamation Rally ay pagpapakita ng suporta kay dating Mayor Joric Gacula at sa mga kandidato ng Nagkakaisang Taytay.
Iginiit din ng naturang alkalde na ang tunay na lakas ay nasa taumbayan at ang kahalagahan ng panalo ng Nagkakaisang Taytay upang maipagpatuloy ang mga reporma sa naturang bayan.
“Sa bawat sigaw, sa bawat hakbang, ipinakita natin kung sino ang tunay na may kapangyarihan – sambayanang sambayanang Taytayeño. Ang People’s Proclamation Rally ng #NagkakaisangTaytay ay naging patunay ng ating pagkakaisa, tapang, at pagmamahal sa bayan,” ayon kay Gacula.
“Hindi lang ito isang pagtitipon — ito ay panawagan. Panawagan para sa gobyernong naglilingkod, hindi nang-aabuso. Para sa pamumunong inuuna ang tao. Para sa bukas na mas makatao, mas makatarungan,” dagdag pa ng dating alkalde.

Ang malaking pagtitipon ay dinaluhan din ni Mia Ynares na tumatakbong kongresista sa Rizal na nagpahayag din ng suporta sa Nagkakaisang Taytay.
Hinimok ni Ynares ang mga botante na suportahan ang mga kandidato ng Nagkakaisang Taytay para sa pagpapabilis ng kaunlaran ng bayan.
“Suportahan na lang po natin ang Nagkakaisang Taytay. Straight po tayo 10-0 para ho kay Mayor Joric Gacula. Suportahan po natin. Maraming salamat po,” ayon kay Ynares.
Si Gacula, kasama sina vice mayoral bet Jeca Villanueva at mga kandidato sa pagka-konsehal na sina Mitch Bermundo, Archie Calderon, Tegan Cayton, Gerald Cruz, Gerick Fransisco, Manet Gonzaga, Bonggit Jurado at Allyson Lopez ang bumubuo sa Team Nagkakaisang Taytay.
More Stories
MARCOS PINAYAGAN WORK-FROM-HOME, HALF DAY NG GOV’T WORKERS SA MIYEKULES SANTO
EX-PCSO CHIEF GARMA HUMINGI NG ASYLUM SA US
Rizal House bet JB Pallasigue kinilala kahalagahan ng mga nanay