Pumanaw na ang tatay ni dating NBA Hall of Famer Dennis Rodman na si Philander Rodman Jr.
Si Rodman na residente ng Mabalacat, Pampanga ay pumanaw sa edad na 79 noong Martes.
Inanunsiyo naman ng apo ni Rodman na si Jasmine ang pagpanaw ng kanyang lolo sa kanyang Facebook account.
Kaugnay pa sa ibang ulat, ipinagbigay alam naman ng kapatid sa ama ni Dennis na si Darling Marie ang nangyari sa kanilang ama.
Si Philander ay former member ng US Air Force na nakipaglaban noong Vietnam War.
Noong 1965, iniwan nito ang kanyang unang asawa at si Dennis at nanirahan na sa Pilipinas.
Nagkaroon ng business si Rodman na ‘Rodman’s Rainbow Obamaburger’ sa Angeles City, Pampanga.
Noong 1996, sa isang artikulong lumabas sa Associated Press, inihayag ni Phillander na hindi niya nakita ng 26-taon si Dennis.
Naging ama rin ito sa 29 supling mula sa 16 na babae.
Si Dennis naman ay sumikat sa NBA kung saan naglaro siya sa ilang teams gaya ng Detroit Pistons, San Antonio Spurs at Chicago Bulls.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2