January 24, 2025

Tatapusin na kaya ng Lakers ang series sa Game 5?

Kinamig ng Lakers ang panalo sa Game 4 ng NBA finals. This is a comfortable zone ika nga ang 3-1 lead sa series.

Isang panalo na lang at champion na ang Lakers. Kapag nagkataon, pang-apat na title na nito ni LeBron.

Una kay Dwight Howard, 2 kay JR Smith at Rondo, 3 kay Danny Green at JaVale McGee. Una kay Anthony Davis.Magandang alalala ito para sa legacy ni Kobe Bryant. Ito ang motibasyon ng Lakers para magsumikap.

Sa panig ng Miami Heat, proud tayo dahil kababayan natin si coach Eric Spoelstra. Sinong mag-aakalang makapapasok ang team niya sa finals?

The journey to the finals ng team is a great experience para sa mga rookie ng Heat. It will teach them a lesson.The big questions is, tatapusin na ba ng Lakers ang series sa Game 5? ‘O mayroon pang Game 6? No one knows, he-he-he.

Basta, kung sino ang magsusumikap sa larong iyon, iyon ang mananalo.

                                                               oOo

Sa October 11 na ang simula ng ika-45 season ng PBA. History ito sa liga dahil kakaiba ang format. Ibang klase kasi itong COVID-19 pandemic, ‘yan tuloy.

Gayunman, tuloy ang ligaya ng Pinoy PBA fans. Muli kasi nilang makikita ang mga teams nila. Lalo na yung mga maka-Barangay Ginebra, San Miguel saka Magnolia.

Ang PBA bubble format ay exciting dahil walang crowd na manonood. Walang cheer. Nakakapanibago sa mga players yun.

Ang tanong dyan, sino kaya ang alalagwang team? Yung tatlong team kaya na binanggit ko? May papasok kaya isa dyan sa semifinals?

This is my fearless forecast mga Ka-Slambang, mga 80 percent, he-he-he. Good luck sa mga PBA teams, players, coaches at staff. Stay safe in the bubble.