January 23, 2025

TAPOS NA ANG LABAN, MOVE FORWARD NA TAYO

Tapos na nga ang laban mga Cabalen. Ipinakita na kung sino at para kanino ang trono ng Malakanyang, sa senado at kongreso.

Marami ang hindi makaabante, lalo na ang mga matibay ang paniniwala na mali raw ang resulta ng botohan.

Sa karanasan nating mga Pilipino tuwing eleksiyon, kitang kita ang katibayan ng pagkakaisa ng mga kababayan nating nais ng pagbabago. Gayundin ang pagbangon mula sa ilang taong sinasabing demokrasiya.

Ang demokrasya na pinagpasasaan at pinagsamantalahan ng mga presidenteng walang tiniyak kundi ang sariling kapakanan. Kumagat ang taong bayan at napaniwalang sila ang boss. May ilang idinaan ang pagbebenta ng ari-arain ng bansa sa pananabako at thumbs up.

Ibat-iba ang gimik mga Cabalen. Pero ang mga Pilipino nagbigay ng kanilang tiwala sa pag-asang sila’y maiaahon mula sa kinasasadlangang kahirapan.

Ang gimik ng iba siraan at yurakan ang kalaban. Una dito ang paninirang puri sa kalaban. Subalit gumawa na ng paraan ang tadhana. Nanalo ang dapat manalo.

Si Pangulong Bongbong Marcos, hindi kailan man lumaban ng salitaan sa mga umaalipusta sa kanya. Sa halip nanindigan at naniwalang ipapanalo siya ng 31 milyong Pilipino, na kilala siya bilang BBM. Ito ang iginuhit ng tadhana, ang mga nakikipaglaban dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito matanggap.

Dapat na tayong magkaisa. Bigyan na lamang natin ng pagkakataong ipakita ni BBM ang kanyang kakayanan na tayo ay alagaan. Huwag muna po natin siyang husgahan.