INALALAYAN ng mga miyembro ng Philippine Army sa pagbitbit ng bagahe ng mga locally stranded individuals (LSI) sa mga bus at trak na maghahatid sa kanila sa North Port upang makauwi na sa kanilang probinsiya galing sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila na pansamantala nilang naging tuluyan magmula noong Hulyo 27 gawa ng COVID-19 pandemic.
Ito’y matapos ianunisyo ni Assistant Secretary Joseph Encabo, Hatid Tulong program lead convernor, na maari nang makauwi ang mga LSI pabalik sa Caraga o Region 13 gamit ang barko na inilaan ng pamahalaan.
Matatandaan na libo-libong stranded na indibidwal, kabilang ang mga bata, ang nagkampo sa Rizal Stadium, habang naghihintay ng libreng transportasyon para makauwi sa kanilang probinsiya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA