December 20, 2024

TAPELES 85% NANG HANDA VS INOUE

Nasa fighting form na si Filipino boxing champion Marlon Tapales habang patuloy ang ginagawang paghahanda sa laban nito para sa super bantamweight title unification fight laban kay Naoya Inoue sa darating na Disyembre 26.

Sinabi ng kaniyang head coach na si Ernel Fontanilla na nasa 85 percent ng handa si Tapales ilang linggo bago ang laban.

Hindi kasi nito nais mag-peak na ng maaga sa kaniyang laban.

Maaring hanggang dalawang linggo pa bago tuluyang maabot ang peak ng kaniyang fighting form.

Bukod sa pagiging coach ay nagsisilbing chef din ito at tintiyak na ang kinakain ni Tapales ay masustansya para hindi lumagpas sa 122 pounds limit ang timbang nito.

Pagtitiyak nito na kahit underdog sila ay kaya ni Tapales na patumbahin ang Japanese boxing champion. RON TOLENTINO