May 15, 2024

Magnolia Hotshots tinalo ang NLEX Road Warriors; Barroca nagningning

Tinambakan ng Magnolia ang NLEX 99-72 para manatiling walang talo sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa PhilSports Arena.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Tyler Bey na mayroong 23 points habang nagtala ng 19 points Mark Barroca si Mark Barroca at 16 points naman si James Laput.

Sa first haf ay hindi nakakalayo ang Hotshots at pagpasok lamang ng second half ay doon na sila umarangkada at nagtala sila ng 13-9 run.

Ito ang pang-limang panalo at wala pang talong laro ng Hotshots habang ang Road Warriors ay mayroong dalawang panalo at tatlong talo. RON TOLENTINO