November 1, 2024

TAPATANG CREAMLINE COOL SMASHERS AT CHOCO MUCHO, DADAGSAIN; VALDEZ SA FLYING TITANS: ‘ WALANG PERSONALAN, SPORTS LANG”

Tiyak na blockbuster ang laban sa pagitan ng Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans. Magtutuos kasi ang dalawang team sa semis ng 2022 PVL Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Makakatapat ni Alyysa Valdez ng Creamline ang kanyang mga teammates noon sa Ateneo Lady Eagles. Isa pa, ssiter team din ng Cool Smashers ang Flying Titans. Sila rin ang team na may pinakamaraming crowd drawers. Kaya, asahang dadagsa ang kanilang mga fans upang manood.

Para kay ‘The Phenom’, kahit friends sila sa labas ng court, pasensiyahan aniya kapag laban na ang usapan. Walang personalan, sports lang daw!

We belong to one fa­mily but when we get to the court, it’s all business. All the teams are very compe­titive; we just hope to bring out our best,” ani Valdez.

It’s exciting to be able to go against our sister team. They’ve won championships in the past so we really have to step up,” ani naman ni Kat Tolentino ng Choco Mucho.

Samantala, haharap naman ang Cignal HD Spikers sa Petro Gazz Angels. Pero, hindi magiging madali ito sa Cignal.

It’s a different thing in the se­mis, pressure will be a lot more intense,” ani coach Shaq delos Santos.

Si Rachel Anne Daquis naman at Angeline Araneta ang panghatak ng HD Spikers at si Myla Pablo naman at Nicole Tiamzon sa Angels.

Magsisimula na ang Game 1 ng best-of-three semis bukas, April 1. Unang maghaharap ang Cignal at Angels sa ganap na alas 3:00 ng hapon. Susundan ito ng Creamline at Choco Mucho sa ganap na alas 6:00 ng gabi.