November 3, 2024

TAONG 2022, MAUULIT NA NAMAN KAYA ANG SENARYO NG PAGLOBO NG VIRUS?

Nagsimula nang lumakad ang taong 2022 at maayos naman ang pagsalubong natin sa Bagong Taon. Gayunman, may naiiwan sa ating katanungan. Lalo na sa mga hamon dala ng pandemya?


Kung tutuusin, matatapos na dapat ang nasabing salot. Kung di nga lamang sumipa itong bagong variant na Omicron. Kung kaya, naantala ang pagbabalik normal ng sitwasyon. Bubulagain kaya tayo ng ‘First Quarter Storm’ sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19?


Ang tanong, makabubuti kaya ang pagbabalik uli sa dati? O mas makabubuti ang ‘new normal’? Bagamat niluwagan ng otoridad ang protocols sa Alert 2 ang NCR, may negatibo itong epekto.


Dumami ang mga tao sa pampublikong lugar, na hindi naman natin masisisi. Dahil sa 2 taong hindi nagawa ang dating nakagawian.


Katunayan, tumaas ang bilang sa mahigit sa 20,000 kaso sa nakaraang araw. Marahil, malaki ang epekto ng malamig na panahon. Marami ang nagkakasakit o trangkaso.

Kaya, naghigpit na naman ang otoridad at inilagay ang restriction sa Alert 3. Sa ibang bansa, kapansin-pansin na rin ang pagtaas ng kaso ng virus. Kaya, muli silang naghigpit.


Heto ngayon ang ating pinangangambahan, mauulit na naman ba ang lockdown? Ang ECQ at MECQ? Magpapatupad na naman ba uli ng curew hours? Kung makabubuti dapat lang para sa kaligtasan ng lahat.

Ngayon pa lang ay batid na natin na mauulit na naman ang senaryo noong Enero-Marso 2020. Kung saan ay inilagay tayo sa lockdown. Kung hindi pa matatapos ang pandemya, dapat lang itong paghandaan. Kaya, kaunting tiis pa at disiplina.


Matatapos ang bagong kabanata ng mga variant ng virus. Asahang may paparating na namang bago. Kaya, mag-ingat at laging manalangin sa Diyos. na tayo ay Kanyang iligtas sa perwisyong sakit na ito.