KULUNGAN ang bagsak ang isang tambay nang panggigilang dakmain ang puwitan ng 16-anyos na dalagitang estudyante at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Anti-Bastos Law at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act o R.A. 9165 ang suspek na si Jethro Dionson, 27 ng16 Lemon St. Brgy. CAA BF. Homes, Las Pinas City.
Nabatid na nagtungo ang biktima, kasama ang mga kaibigan sa isang convenience Store sa Maysan Road, Brgy. Maysan upang bumili ng ice cream dakong alas-8:30 ng gabi.
Habang nakatayo ang biktima malapit sa pintuan ng establisimiento, nang biglang lumapit si Dionson at dinakma ang puwitan ng dalagita na napasigaw dahil sa pagbigla, sabay itinulak ang suspek.
Dahil dito, tumakbo ang suspek palabas at nagtago sa kalapit na terminal ng sasakyan habang nasaksihan naman ng isang rider ang pangyayari kaya humingi ito ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng SS-9 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Dinala ang suspek sa presinto at nang atasan siya na ilabas ang laman ng kanyang bulsa ay dito natuklasan ang isang plastic sachet na naglalaman ng .05 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340.00.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund