November 24, 2024

TAIWAN NAG-DONATE NG P25.47-M CASH GRANT PARA SA ‘ODETTE’ VICTIMS

MAYNILA – Nag-donate ng PHP25.47 milyon ang gobyerno ng Taiwan sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) para tulungan ang gobyerno ng Pilipinas na matulungan ang mga sinalanta ng bagyong ‘Odette’.

Sa isang media interview ngayong Miyerkoles, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na natanggap niya ang donasyon ng Taiwan sa MECO, isang non-profit at non-stock private corporation na may misyon na mapanatili at ang kapwa kapaki-pakinabang na relasyon sa pagitan ng ekonomiya at lipunan ng Pilipinas at Taiwan.

“These donations were given by MECO as an act of generosity to assist the Philippine government in the relief efforts for the families affected by Typhoon Odette,” saad ni Bautista.

Nagpahayag ng matinding pasasalamat si Bautista sa MECO at gobyerno ng Taiwan sa pagtulong sa Pilipinas na makarekober mula sa super typhoon na tumama sa hindi bababa sa anim na rehiyon, partikular sa Mindanao at Visayas.