May 16, 2024

TAHANANG PINAKAMASAYA NAGING TAHANANG PINASARA NA

“Tahanang Ipinasara na”


‘Yan ang naging tampulan ng katatawanan kahapon ng mga netizens matapos makumpirmang last episode na noong Sabado ng “Tahanang Pinakamasaya.”

Siyam na buwan ding umere ang Tahanang Pinakamasaya matapos nga nitong palitan ang Eat Bulaga nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon nang magdesisyon ang tatlong host na lumipat sa TV 5.

Sa pangunguna ng Jalosjos family, pinili ng TAPE sina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Cassy at Mavi Legaspi na sinubukan at pinalitan ang iniwan ng Eat Bulaga.

Ayon sa ulat, nabaon sa utang ang TAPE ng P800 milyon.

Kalat na rin na replay ng Tahanang Pinakamasaya ang ieere hanggang Marso 7, na sinasabing “TictoClock ang ipapalit sa time slot nito.

Inaasahang maglalabas ng statement ngayong araw ang TAPE at GMA.

Nang hingin ang komento ni Tito Sotto, na siyang ipinaglaban ng husto ang karapatan ng TVJ group kaugnay sa intellectual property rights ng Eat Bulaga, sinabi nito na “Hindi kami katulad nila.”