
Nakasilat ang Taguig Lady Generals sa Quezon City Lady SparTANs, 58-50 sa 2021 Pia Cayetano WNBL season. Ang torneo ay idinaraos sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Dinomina ng Lady SparTANs ang unang kwarter sa pagtala ng 16-8 lead. Ngunit, humagol ang Lady Generals sa 19-9 run. Kaya, lamang pa sila ng 27-25 sa halftime.
Naging dikitan pa ang laban sa second half. Pero, umalagwa ng 5-0 run ang Taguig, 56-47.Naging bida rito si Tin Capilit sa pagbuslo ng 2 baskets. Sa kabuuan, bumuslo siya ng 10 points at 4 rebounds.
Nanguna naman si Janeth Sison sa Taguig (2-1). Nagtala ito ng 13 points, 6 boards, 5 assists at 5 steals.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo