November 23, 2024

Taekwondo olympian na si Donnie Geisler, dineklarang ‘persona non grata’ ng PTA

Idineklara ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ng ‘persona non grata’ si Donnie Geisler. Ang sirkular tungkol dito ay ipinost sa social media page. Upang ipagbigay alam sa publiko ang desisyon sa taekwondo olympian.

Ang PTA’s persona non grata ruling sa kanya ay sinertipikahan ni PTA President Robert Aventajado; kasama ang committee members na sina Stephen Fernandez, Tony del Prado, Roberto Fajardo, at Harny Tabuada.

“This protocol was made to protect the Taekwondo National Team members from distractions that would jeopardize their training.” 

“He deceived Morrison and Alcantara that they would only be sharing an inspirational message and a few techniques. When in truth, both were made to actually conduct the online class in behalf of Mr. Geisler,” ayon pa PTA.

Kabilang din sa penalty kay Donnie ay bawal din itong sumali sa mga torneo at activities ng samahan. Kinatawan ni Geisler ang bansa sa 2000 at 2004 olympics.

Idinemanda noong June 26 ng 41-anyos na Olympian at nafiled ng complaint sa Philippine Competition Commission.

Ito’y dahil umano sa anti-competitive practices at pang-aabuso sa kanya ng taekwondo body sa loob ng ilang taon. Habang sinusulat ang balitang ito, inaasahang magpapahayag naman ng kanyang sagot si Donnie. .