January 25, 2025

Table Tennis Wiz Kids Tulad Ni Khevine… TAGUMPAY ABOT – KAMAY ‘PAG MAY AGAPAY

OPTIMISTIKO si Philippine Table Tennis Foundation, Inc. (PTTF) president Ting Ledesma na mas mabibigyan ng pansin at matutugunan nang pribadong sector ang kanilang sports bunsod na rin ng tagumpay ng mga atleta sa international tournament na patunay sa pagkakaroon ng kanilang matibay na programa sa grassroots level.

Inamin ni Ledesma na limitado ang nakukuhang suportang pinansiyal ng table tennis sa pamahalaan, habang manginlan-gilan lamang na pribadong individual ang bukas ang mga kamay sa pagtulong, subalit nakakaagapay at nagtatagumpay ang Pinoy table netter sa international competition.

“Aminado po ako na mahina sa pakikipag-usap sa mga private group para pakiusapan na suportahan ang table tennis, ngunit binabawi ko po ito sa maayos na liderato kahit madalas mag-abono ako. But the success and the recent results ng ating campaign sa International meets, hopefully mapatunayan namin na deserving kami sa suporta,” pahayag Ledesma nitong Huwebes sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

Nakamit ni Kevine Cruz ang silver medal sa U-11 boys’ singles category ng World Table Tennis (WTT) Youth Contender tournament kamakailan sa Fashion Island Mall sa Bangkok, Thailand.

Sumabak ang 11-anyos at Grade 4 student ng Paco Citizen Academy Foundation sa tulong ng Beyond Help Foundation, Joola at ambagan ng mga kaibigan at kamag-anak.

“Yung airfare po ni Kevine ay sinagot po ng Beyond Help Foundation, yung uniform and equipment nagpapasalamat kami kina Sir Philip Uy, Mark Chua Chavez at Sir Charlie. Yung Beyond is a small and starting foundation used to help players achieve their dreams. Their main mission and vision is to spread the gospel and the importance of education. The people behind this foundation is actually a family of 8, who are all avid sports enthusiasts,” pahayag ni Vinessa, ina ni Kevine.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumulong sa anak ko hopefully mas marami pa siyang tournament na masalihan para marating din niya yung success ng ate Kit niya,” aniya patungkol sa nakatatandang anak na si Kheith Rhynne na kasalukuyang No.1 player na babae ng bansa at pinakabatang miyembro ng Philippine Team na sumabak sa Vietnam SEA Games sa nakalipas na taon.

Inamin ni Ledesma na nahihirapan ang sports na makakuha ng ayuda sa pribadong sector dahil na pagiging ‘unpopular’ ng sports sa Pinoy kung kaya’t kadalasan ay nauuwi sa ‘train today, reimburse later’ ang policy ng PTTF para makapagpatuloy sa pagsasanay ang mga atleta.

“Right now nasa Europe ang dalawa nating atleta sina John Nayre at Ema Rose Dael para magtraining. Ginawa namin ito kahit wala pang budget sa PSC dahil kailangan na. Hopefully mareinbursed namin yung gastos nila once na mabuo na ang PSC Board,” pahayag ni Ledesma sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant. 

“Umasa rin kami na ang bagong PSC chairman natin ay matugunan yung suporta sa grassroots. Last administration kasi talagang hindi nabigyan yung mga junior team namin. Kaya itong biyahe ng mga bata lately, kanya-kanya talaga sila ng hanap ng sponsors,” aniya.

Inaasahang mas mabibigyan ng exposure ang mga atleta at ang table tennis sa pagho-host ng Pilipinas sa World Junior tournament (WTT) sa susunod na taon.

‘Naibigay po sa atin  ng karapatan na maging host sa tournament na sinalihan ni Khevin next year of October possibly sa Palawan natin gagawin. Malaking bagay ito para mas mailapit natin sa ating mga kababayan ang table tennis. Ito yung sports na fit sa mga Pinoy. Nakapasok na rin tayo sa Olympics through Ian Lariba in 2016, kaya hopeful kami sa fuure ng sports,” sambit ni Ledesma.