January 7, 2025

TAAS-ALLOWANCE SA MGA ATLETA IHIHIRIT NG PSC

Hihilingin ng Philippine Sports Commission sa kongreso ang suporta para sa plano nilang pagtaas ng buwanang allowance ng mga national athletes ngayong taon.

Sinabi ni PSC Chairman Richard Bachmann, na ang nasabing hakbang ay para mapalakas ang morale ng mga atleta.

Sa kasalukuyan kasi ay tumatangaap ang mga bagong atleta ng P10,200 kada buwan na mga bagong atleta na kakapiranggot lamang ito kumpara sa mga de kalidad na mga atleta.

Ang mga platinum na atleta gaya nina Paris Olympics gymnast double-gold medalist Carlos Yulo ay mayroong P45,000 kada buwan na allowance.

Habang ang mga Priority A category na mga atleta ay mayroong P43,000 kada buwan, ang Priority B naman ay P36,000 at ang Priority C Athlete ay mayroong P33,000 na tinatanggap na allowance kada buwan.

Umaasa naman ito na maaaprubahan ng kongreso ang hiling ng PSC para mapabuti ang kalagayan ng mga atleta ng bansa. RON TOLENTINO