November 18, 2024

Swimming coaches bisita sa TOPS Usapang Sports

Fred Galang Ancheta ng SLP

MAGKAKAROON ng pagkakataon ang mga local swimming coach na maiparating ang kanilang mga hinaing at damdamin hingil sa mga isyung bumabalot sa Philippine swimming sa ispesyal na pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  ngayong Huwebes (Enero 26) ganap na 10:30 ng umaga sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.

Mula sa 11 iba’t  ibang swimming clubs at asosasyon, inaasahang magbibigay ng kanilang mga pananaw ang mga local coaches hingil sa kasalukuyang sitwasyon ng sports, higit at nakabitin pa ang desisyon ng Stabilization Committee para sa isasagawang eleksyon matapos sibakin ng World Aquatics ang Philippine Swimming Inc. (PSI) bilang miyembro.

Ang mga naimbitahan sa forum ay sina Fred Galang Ancheta ng Swim League Philippines (SLP),  Chito Rivera ng Samahang Manlalangoy ng Pilipinas (SMP), Ronald Nicdao ng  Solid Coaches Association of the Philippines, Biboy Asturias ng  Central Northern Luzon – CAR Swimming Coaches Association (CNLCSCA) , Emer Matienzo ng Southern Tagalog Coaches Association (STACA), Tristan Tabamo ng Philippine Swimming League (PSL), Edgar Galeno ng Philippine Aquatic Sports Coaches Association Inc. (PASCAI), Francis Ubaldo ng Southern Tagalog Amateur Swimmers Association (STASA), Allan Soria ng Federation of Schools Association of the Philippines (FESSAP), Marion DeChavez ng United Coaches Association (UCA), at Joel Esquivel ng Congress of Philippine Aquatics (COPA).

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga miyembro at opisyal gayundina ng mga sports aficionados na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa TOPS official Facebook page at Channel 45 ng PIKO (Pinoy Ako) sa mobile aps.