DINALA ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang mobile antigen testing project na Swab Cab sa Naga City sa Camarines Sur noong Biyernes matapos umapela ang mga doktor at healthcare professionals para sa tulong sa gitna ng pagtaas ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19) infections.
“With this, we hope to test more people and do immediate contact tracing and isolation,” post ni Vice President Maria Leonor “Leni Robredo sa Facebook.
Ito’y mtapos ilunsad ng OVP ang Bayanihan e-Ataman, isang extension ng kanilang programang Bayanihan e-Konsulta, upang saklawin ang buong lalawigan ng Camarines Sur.
Ang Bayanihan e-Konsulta ay isang online teleconsultation platform para sa COVID-19 at non-COVID-19 patients. Bilang bahagi ng serbisyo, nagbibigay ang OVP ng COVID care kits para sa mga naka-home quarantine.
Sa kanyang home province, dalawang beses sa isang araw minomonitor ng mga volunteer ng tanggapan ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordad ang mga pasyente, ayon kay Robredo.
Dagdag pa ng vice president na nakikipagpulong siya sa mga doktor at volunteers mula sa civil society paminsan-minsan upang humanap ng paraan para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng nakamamatay na virus.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE