MAYORYA ng mga Filipino ang pabor na pera ang nais nilang matanggap na regalo sa Valentine’s Day, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Pangunahin na ang pera, na nakakuha ng 16%, sa pinakanais ng mga Pinoy na matanggap na regalo sa Araw ng mga Puso, kasunod ang love at companionship na parehong nakakuha ng 11%, at bulaklak na mayroon namang 10%.
Ang iba pang Valentine’s Day wishes ng mga Pinoy ay apparel (9%), “any gift from the heart” (5%), mobile phone (5%), relo at alahas (5%), good family relationship (5%), food at grocery items (3%), chocolate (3%), good health para sa mga mahal sa buhay (3%), motorsiklo at iba pang sasakyan (2%), at appliances (2%).
Ang iba pa namang regalo na hindi masyadong napili ng mga lumahok sa survey ay ang written o in-person greeting (1%), halik (1%), anak (1%), date o dinner (1%), bahay (1%), cake (1%), stuffed toy (0.4%), kasal (0.3%), alcoholic drink (0.3%), at pabango at cosmetics (0.3%).
Karamihan umano sa nais makatanggap ng pera at mga bulaklak ay mga babae, habang apparel at iba pang regalo naman mula sa puso ang karaniwan namang pinili ng mga lalaki.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA