
INABOT ng ulan ang motorcade nina Supremo Senador Lito Lapid at Coco Martin sa lungsod ng Maynila nitong linggo ng hapon, May 4.
Nag-umpisa ang motorcade sa Baclaran, Parañaque hanggang sa Taft Avenue. Nagtungo rin sila sa San Andres market, Quinta Market sa Quiapo, Dangwa flowers market, Divisoria at nagtapos sa Tondo, Maynila.
Sa kabila ng malakas-lakas na pag ulan, mainit pa rin ang pagsalubong ng mga residente sa dalawang action superstars ng FPJ’s Batang Quiapo.
Nagpasalamat naman sina Lapid at Coco sa mga residente ng Maynila na nagpaabot ng kanilang solid na suporta sa reelection bid ni Supreme Senador Lito Lapid.
“Itinuturing ko na blessings ng Panginoon ang pag-ulan sa panahong ito ng tag-init. Nakatataba po ng puso ang pagsigaw at pagmamahal nyo sa amin no Coco. Susuklian ko po ito ng malinis at tapat na paglilingkod sa senado sa sandaling mailuklok ulit ako sa ika-apat na termino. Maraming salamat po,” ayon kay Lapid
Sinusuyod ni Sen. Lapid ang iba’t-ibang bayan sa bansa makadaupang palad ang mga Pilipino.
Daan din ito upang malaman ang kani-kanilang hinaing at pangangailangan na tutugunan ng kanyang paggawa ng mga nararapat na batas.
Sa pusod ng Maynila, madalas ginawa ni Director Coco ang shooting ng Batang Quiapo. Abangan ang motorcade nina Supremo at Tanggol sa Pampanga sa darating na Mayo 10.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
IFPB sisimulan ang pagsusuri sa Block Grant formula para sa BARMM