April 29, 2024

SUPREMO NANGUNA SA GROUNDBREAKING NG CONVENTION CENTER SA PAMPANGA

PINANGUNAHAN  ni Supremo Sen. Lito Lapid ang groundbreaking ng Convention Center sa Brgy. San Antonio, Guagua, Pampanga na may disenyo ng isang ‘star’ at ‘dome’ na sumisimbolo sa parol na pangunahing industriya sa lalawigan nitong nakaraang Huwebes. 

Pwedeng maging venue ito sa malalaking sports events at concerts na  makatutulong sa ekonomiya ng Guagua. Magsisilbi rin itong evacuation center kung kakailanganin.

May kapasidad ang convention center na 2,500 katao at nagkakahalaga ng P360 million.

Nakatuwang ni Supremo sa groundbreaking si TIEZA COO Mark Lapid at mga lokal na opisyal ng Guagua, Pampanga sa pangunguna nina Mayor Anthony Joseph ‘Tonton’ Songco Torres at Vice-Mayor Benjamin Lim Jr.