MATAGUMPAY na nadakip ng mga tauhan ng Northern Police District Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) ang umano’y supplier ng high grade marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Josaphat Velarde, alyas “Boss”, 29 ng No. 7 Athens Building, Chateu, Brgy. Lingunan.
Ayon kay Gen. Ylagan, alas-11:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan Jr. ang buy-bust operation sa Mc Arthur Highway, Brgy. Malanday kung saan isang undercover pulis ang nagawang makabili sa suspek ng high grade marijuana na nagkakahalaga sa P40,000.
Nang iabot na ni Velarde ang high grade marijuana kapalit ng P40,000 marked money na binubuo ng dalawang tunay na P1,000 bill at 38 piraso boodle money sa poseur-buyer ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Ayon kay DSOU head P/Lt. Col. Giovanny Hycenth Caliao I na nangasiwa ng operation, nakuha sa suspek ang dalawang cling wrapped full grown high grade ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 1,000 gramo na nasa P120,000 ang halaga, 78 gramo ng Kush na nasa P117,000 ang halaga, digital weighing scale, iPhone 5 cellphone at marked money.
Ayon kay Gen. Ylagan, sasampahan ang suspek ng kasong Comprehensive Dangerous Drug Act sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA