HINDI raw madali ang magbigay ng kasiyahan sa mga tao, mayroong tanggap iyong pagpapatawa nilang ginagawa, pero mayroong hindi masakyan ang kanilang ginagawang pagpapatawa. Kaya ang ending, may natutuwa at mayroon namang nagagalit. Sa kaso ni Super Tekla, naranasan niya ang malagay sa panganib ang kanyang buhay.
“Totoo iyan, habang nagpapatawa ako sa Comedy Bar, kinasahan ako nang harapan ng baril. Akala ko nga babarilin ako, na-offend ko ‘yata sa aking paraan ng pagpapatawa.
“Pero humingi naman ako ng tawad, hindi siya siguro na aware na ‘pag pumasok ka sa isang Comedy Bar ay malamang na ikaw ang mapaglaruan ng mga komedyante ng bar.
“Kahit maganda intensiyon mo kapag hindi na get ng tao, malalagay sa kapahamakan ang buhay mo. Dapat ingat ka sa pagpapakawala ng mga salitang binibitiwan mo, kasi iyong iba pangit ang dating sa kanila,” pahayag pa ni Super Tekla.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan