Mas maraming taga-Romblon ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang ang isinagawang groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa bayan ng Romblon, Romblon sa pangunguna ni Senator Bong Go.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Go na itong nasabing centers ay ituturnover ng Department of Health (DOH) sa lokal na pamahalaan sakaling matapos na at magbibigay daan sa kanila na mapabuti at mapalawak ang serbisyo base sa pangangailangan ng komunidad.
“Pwedeng i-improve pa at palawakin ang services dito. Pwede manganak diyan, dental at pagbakuna, at iba pang laboratory tests. Iyan ang Super Health Center, para talaga ‘yan sa mga mamamayan dito sa Romblon,” ayon kay Go.
Layon ng inisyatiba ni Go sa pagtatayo ng Super Health Centers na gawing mas accessible ang serbisyong medikal sa Filipino patients lalo na sa bansa. Ang naturang center ay mayroong database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, and ambulatory surgical unit, at iba pa.
Hatid din nito ang eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedic, kung saan maaring gawin ang remote diagnosis at treatment ng mga pasyente.
Sinabi ni Go na para sa taong 2022 ay 307 Super Health Centers ang napondohan ng DOH at mga mambabatas habang 322 naman na Super Health Centers ngayong taon.
“Ilalagay po ito sa mga strategic areas kung saan po’y ilalapit natin ang serbisyo medikal sa ating mga kababayan na hindi na ho sila kailangang mag-travel pa sa malalayong ospital,” ayon kay Go.
Sa Romblon, maliban sa Romblon Super Health Center, may itatayo ring Calatrava Super Health Center, Magdiwang Super Health Center, San Andres Super Health Center at San Jose Super Health Center.
Bukod dito, nag-alok si Go na tulungan ang mga residente na may problemang medikal dahil pinayuhan niya silang humingi ng tulong sa Malasakit Center sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan. Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Go na suportado nito ang pagtatayo ng marami pang specialty centers alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO