Kanselado na ang provisional accreditation ng Sun Valley Clark bilang offshore gaming hub.
Ayon kay Philippine Gaming Corporation Chairman at CEO Alejandro Tengco, ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang pamamalakad ng mga offshore gaming sites nito.
Bunsod nito, muling binalaan ni Tengco ang mga offshore gaming operator na lisensyado ng pagcor na iwasan ang anumang pagkakasangkot sa anumang criminal activities kung gusto ng mga ito na mapanatili ang kanilang mga lisensya.
Hindi rin pinalagpas sa babala ng PAGCOR top honcho ang mga foreign nationals kung saan pinag-iingat ang mga ito sa pagtanggap ng nakakasilaw na job offers sa bansa na ginagamit ng mga manloloko para sa human trafficking. Kasabay nito ay binigyang-diin din ni Tengco na patuloy ang ginagawamg koordinasayon ng PAGCOR sa mga partner government agencies nito para labanan ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming operations.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW