
Nakalapag na si Pinoy pug Jonas Sultan sa New York City para sa upcoming bout nito. Makakaupakan niya si Carlos Caraballo ng Puerto Rico sa Madison Square Garden.
Kaugnay dito, natuwa naman ang boxer dahil sa suporta ni NorthPort owner Rep. Mikee Romero. Kaya naman, positibo siyag madadaig si Caraballo. Kapag nangyari ito, may tsansa siya para sa world title.
Binansagan siya bilang ” One Punch Man’ ng new promoter na si Brendan Gibbons. SI Gibbons ay anak ni MP President Sean Gibbons.
Magsasagupa ang dalawa sa 10-round bantanweight fight na isasahimpapawid ng Top Rank at ESPN. Mayroon siyang 17-5, 11 KO’s win-loss record.
Ani Sultan, hindi siya nasisindak sa lakas ni Caraballo. Mas malakas aniya siya kaysa sa protege ni Puerto Rican great Miguel Cotto.
More Stories
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup
TNT vs Rain or Shine, Ginebra vs San Miguel muling magsasagupa
RR Pogoy, susi sa panalo ng TNT