Balik si WNBA star Sue Bird sa liga matapos magre-signed sa Seattle Storm. Inanunsiyo ng 41-anyos na si Bird na maglalaro pa siya ng isa pang season sa WNBA.
Naging parte siya ng 4 na WNBA title teams ng Seattle. Siya rin ang league’s all-time assists leader na may 3,048 at naging 12-time all-star. Naglaro siya sa Storm sapol pa noong 2002.
“ Sue Bird is Storm Basketball,” ani Seattle general manager Talisa Rhea.
“It’s rare to have someone play their entire career for one team and Sue has done that for our city, our franchise and our fans,” aniya.
Dapat sanay magreretiro na si Bird noong last season. Hindi siya nakalaro ng 2013 at 2019 season dahil sa knee injuries. Nakakopo siya ng 5 Olympic gold medals para sa Team USA at 2 NCAA titles sa UConn.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo