January 23, 2025

Substance Abuse Helpline ng DOH, welcome kay Dela Rosa

TINIYAK ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa publiko na patuloy at hindi titigil ang pamahalan sa paglaban sa ilegal na droga sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bilang isa sa speakers sa Online Grand Launch ng “Substance Abuse Helpline 1150” ng Department of Health noong Biyernes, ginarantiya ni Dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ang suporta sa anti-illegal drugs campaign ng admistrasyong Duterte at ang bagong DOH helpline.

“Amidst the pandemic, we certainly have not relegated the war on drugs on the side. This remains a major concern of government that deserves all the support and attention we can give…From our end at the Senate, let me assure our countrymen that the Committee on Public Order and Dangerous Drugs is leaving no stones unturned in seeking better and stronger ways to fight the illegal drug menace,” saad ni Dela Rosa.

Dagdag ng naturang senador, na nagsilbi rin bilang hepe ng Philippine National Police na nanguna sa anti-illegal drugs ng kasalukuyang rehimen, na hindi lamang pagtugis sa mga drug lord at mga drug personalities ang kanilang ginagawa kundi maging ang pagsagip sa buhay ng kanilang biktima.

“Hindi lang po sa pagtugis ng mga drug lord at mga drug personalities kundi pati sa pagsagip sa mga biktima ng illegal drugs na nais gumaling at magbagong buhay,” ani ni Dela Rosa.

Binigyang diin ni ng baguhang senador ang kahalagahan ng DOH Substance Abuse Helpline 1550.

“Under the ‘new normal’, we have shifted largely to the use of telecommunications in our daily lives. And with this added helpline facility that the DOH has established, we hope to send the message to our countrymen that they can seek help at anytime, anywhere and be assured that the government is there for them, ready to lend a hand at all times. This is to assure every Filipino that help is easily accessible, fast and reliable.  We want to save and help rebuild lives.”

Hinikayat din ni Dela Rosa ang publiko, “sa ating mga kababayan na nangangailangan ng drug treatment and rehabilitation, huwag po kayong mag-atubiling humingi ng tulong sa pamamagitan ng bagong Helpline na ito ng DOH. Sa gitna ng pandemiya na ating pinagdadaanan ngayon, nais kong iparating sa inyo na ang inyong pamahalaan ay hindi tumitigil sa pag-aalay ng tulong at suporta sa ating mga kababayan, lalo na sa pagtugon sa mga suliranin na dala ng iligal na droga.

Sa kanyang talumpati, binigyan din ng importansiya ni Dela Rosa ang likas na pagiging matatag ng mga Pilipino sa gitna ng bawat kinakaharap na krisis at hamon sa buhay.

“Sa gitna ng pandemiyang ating nilalabanan at sa gitna ng iba pang suliranin at mga hamon sa kalusugan at seguridad ng bawat Pilipino, palakasin pa natin ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa’t-isa. Alam natin na walang tatalo sa tapang at galing ng Pilipino sa pagtugon sa anumang problemang hinaharap. For as long as we remain in solidarity, for as long as we remain strong in the midst of adversity, and for as long as we remain faithful to the Lord, we will surmount every obstacle along the way,” Dela Rosa said.