November 3, 2024

Subsidy is way out of 13th month pay deadlock

NAUWI sa deadlock ang pag-uusap kahapon ng National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) tungkol sa plano ng Department of Labor and Employment at mga negosyante na i-exempt at i-defer ang mga distressed businesses sa pagbabayad ngb13th month pay. 

Ang NTIPC ay binubuo ng employers and business groups, government agencies, and labor and workers organizations. 

Kabilang ako sa pag-uusap at inirehistro ko pagtutol ng mga employees sa planong i-defer ang pagbayad ng 13th month pay at tinukoy ko si Labor Secretary Bello na napakaraming mga manggagawa ang masama ang loob sa kanya at sa DOLE at tila sila pa ang gumagawa ng paraan upang maunsiyami ang 13th month pay nila. 

Tinukoy ko din ang aking 5 minutes na pahayag sa mga negosyante na kung naghihirap ang mga negosyo nila, mas naghihirap ang mga manggagawa sa economic crisis sanhi ng pandemic. 

Bago matapos ang meeting, nagpanukala ang Employers Confederation of the Philippines na dapat sagutin na lang ng gobyerno ang 13th month payment ng mga micro and small companies na hindi kayang makabayad. 

Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis everyone must sacrifice and everybody must share the burden with government helping out in 13th payout to distressed businesses. 
Kaagad naman sinuportahan ng mga labor groups ang panukala. Aabangan natin kung ano ang final decision ng DOLE dito