IPAGPAPATULOY ni Filipino boxer Charly Suarez ang kanyang misyong maka-target ng titulo pang-mundial sa kanyang makatunggali na si Andres Cortes ng USA para sa 10-round eliminator na ikinasa sa Setyembre 20 sa Glendale, Arizona.
Ang dating kapitan ng Ph national boxing team na si Suarez ay kinakailangan na lang ng isang solidong panalo para sa puntiryang World Boxing Organization (WBO) super featherweight crown.
Ang 36-anyos na military athlete ding si Suarez ay naniniwalang hindi pa huli para maisakatuparan ang kanyang pangarap na maging isang kampeon sa mundo.
Ang Team Suarez ay tumulak na papunta sa Estados Unidos upang doon ay ituloy na ang kanyang komprehensibong training katuwang ang kanyang longtime sparring partner at head coach Delfin Boholst at sa timon ng kanilang team manager Arnold Vegafria. “Ilang hakbang na lang para sa puntirya nating title fight para sa karangalan ng ating bansa. I’ll go for it para sa bayan!” wika ni Suarez
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA