
Umabot sa tatlo ang namatay sa landslide habang tatlong iba pa ang nalunod sa matinding pagbaha ng malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng Bagyong Enteng nitong Lunes, Setyembre 2.
Base sa ulat ng Antipolo City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), dalawang binatilyong magkapatid at isang buntis ang nailibing ng buhay sa landslide sa kahabaan ng Daang Pari sa Sitio Hinapao, Barangay San Jose, Antipolo City.
Samantala, narekober naman ang bangkay ng tatlo pang biktima na nalunod sa baha sa kasagsagan ng bagyo sa Barangay San Isidro at Barangay San Luis sa nasabi ring siyudad.
Sinalanta ng matinding pagbuhos ng ulan ang lalawigan ng Rizal na may kasamang malakas na hangin magmula ng madaling araw nitong Lunes, dahilan para mag-evacuate ang maraming residente.
More Stories
ACT Teachers sa DepEd: Bilisan ang hiring ng 16,000 bagong guro bago magbukas ang klase sa Hunyo 16
Cardinal Tagle itinalaga ni Pope Leo XIV bilang bagong Titular Bishop ng Albano sa Italya
Kung Tunay ang Paghilom, Ibalik si Duterte – Atty. Sap Panelo