May 18, 2024

Style raw bulok…PAKULO NI ANDREA BRILLANTES, AYAW NG KAGATIN NG MADLANG PIPOL

BULOK at buking na daw ang style ng nagma-manage kay Andrea Brillantes sa kanyang career, dahil kung inaakala nilang maloloko nila ang madlang pipol ay nagkaka mali sila.

“Mananatili silang tikom ang mga bibig, dahil kung lalabas ang katotohanan ay lalabas na pangit ang image ni Andrea Brillantes.

“Iyong isyu lang kay Ricci, kay Francine. Lalabas kung anong klaseng pag uugali meron siya. Style niya bulok, dahil ginagamit niya ang kanyang pananahimik para kumita ng pera.

“Hindi na raw umaasa pa ang mga netizens, dahil nakita na nila na doon kumukuha sa kanilang pananahimik na pangtustos sa kanyang pamilya ang actress.” Iritadang pahayag ng aking source.