May 4, 2024

Student athletes ng Navotas na nag-uwi ng medalya, binati ni Tiangco

PERSONAL na binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga student athletes ng Navotas na nag-uwi ng medalya sa nakaraang Regional Athletic Meet – NCR Palaro 2023. Sasabak din sila sa Palarong Pambansa ngayong July, kaya naman nais ng alkalde na pabaunan sila ng suporta. “Good job kayong lahat! Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa iba pang kabataang Navoteño na linangin ang angking talento at galing upang magtagumpay sa anumang larangan”, aniya. (JUVY LUCERO)