Hindi nasunod ang social distancing sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila dahil sa libo-libong Locally Stranded Individuals (LSIs) na isinailalim sa rapid testing ngayong araw.
Ang mga LSI, na karamihan ay taga-Vasayas at Mindanao, ay nakatakdang umalis ngayong Hulyo 25 at 26 sa pamamagitan ng “Hatid- Tulong” na program ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ihahatid ng 120 bus at 5 sea vessel pauwi sa kani-kanilang bayan na bahagi ng second phase ng Hatid-Tulong
“Gaya ng first batch ng Hatid Tulong noong unang linggo ng July, we will be ensuring that our LSIs will be comfortable and safe in the transportation modes that the government has prepared for them,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM