
Bumida si Steph Curry sa pagtaga ng Golden State Warriors sa OKlahoma City Thunder, 110-98. Dahil dito, napaangat ng GSW ang winning streak sa 9 victories.
Kumana si Curry ng 18 points, 10 assists at 9 rebounds. Bumanat naman si Klay Thompson ng 21 points, 2 boards at 2 assists. Naglista naman si Andrew Wiggins ng 15 points at 5 boards.
Nanguna naman sa panalo ng Miami Heat kontra Washington Wizards121-110 si Bam Adebayo, . Pumukol si Adebayo ng 21 points, 7 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si Jimmy Butler ng 19 points, 4 assists at 3 boards.
Samantala, niluray naman ng Toronto Raptors ang Charlotte Hornets, 116-101. Kuminang sa panalo si Paskal Siakam na nagtala ng 24 points, 11 boards at 8 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT