January 19, 2025

Standard Insurance Centennial 5 ng ‘Pinas wagi sa China Sea Race na nagtapos sa Subic

SA timon ni   ERNESTO “JUDES” ECHAUZ , kanyang iginiya  ang Standard Insurance Centennial 5 ng Pilipinas sa makasaysayang estilo sa pagbabalik ng  Rolex China Sea Race matapos ang limang taong pagliban..

Kabuuang 18 international boats ang lumarga mula Hongkong noong Miyerkules kung saan ay agad nilang kinuha ang pacing nang  walang lingon ng Centennial V  hanggang pagtatapos sa Subic Freeport nitong weekend.

Ang layag ni Echauz ay naorasan ng 12 oras, 45 minutos at 47 segundos upang maging unang bangka ng Pilipinas na magwagi ng line honors sa 61-anyos na karera.

“It’s very historic! It’s the first time that a Philippine boat has won line honors at the Rolex China Sea Race,” wika ni Echauz  “It’s such a prestigious race for us.”

Tinawid ng Centennial 5 ang start line nang nangunguna palabas ng iconic skyline ng Victoria Harbour at pinanatili ang komportableng bentahe sa kabuuan ng The Rolex China Race na inorganisa ng Royal Hong Kong Yacht Club sa kooperasyon ng Manila Yacht Club kung saan ang  finish ay ini- host ngayong taon ng  Subic Bay Yacht Club.

 Ang blue water race sa Asia—ay inilayag ang mga sailing boats higit 565-nautical miles (1,046 kilometers) sa South China Sea hanggang Subic Bay, ay kinonsiderang tunay na pagsubok sa sailing skill, energy, persistence at team spirit.  

Si Echauz ang siyang kapitan ng all-Filipino crew na kinabibilangan ng  mga dating miyembro ng national sailing team karamihan ay mula Philippine Navy.

Dalawa sa crew ay mga women—laser sailors na sina Alaisa Belmonte at Paula Bombeo.

Ang mga competitors ay nag-navigate ng traditional at modern sea traffic bago humarap sa kondisyon ng South China Sea.

Sumegunda sa pagdating sa Subic ay ang bagitong Happy Go ng Hong Kong habang tersera naman ang 

Rampage 88.

  Binubuo ng Standard Insurance Centennial V crews nina Ridgely Balladares, Rubin Cruz, Richly Magasanay, Stephen Tan, Bernard Floren, Joel Butch Mejarito, Whok Dimapilis, Harry Kim Lumapas, Emanuel Amadeo, Miguel Magsanay, Franco Hilario, Louie Perfectua, Elmer Cruz, Nazer Domingo, Jeanson Lumapas, Alaiza Belmonte, Paula Bombeo, Ricky Domingo and Jericho Marbella.

Echauz’s Centennial III also raced and its crew members are Emerson Villena, Lester Troy Tayong, Edgar Villapana, Janno Dalanon, Jerene Durana, Jonalyn Parocha, Froilan Boyano, Nico Sanchez, Nicko Boyano, Morris Lann Madlos, Lito Yamson, Joseph Frisco, Erickson Villena, Al Bryan Dulay at Teodorico Asejo.